Archive for October, 2005

WOOOHH! Saya ng Sembreak!

Thursday, October 20th, 2005

Hay salamat… Finally, sembreak na namin… 3 weeks din yun ha. Sobrang kapagod ng last week namin coz of the exams… laging puyat and look may mga pimples ako pero ok lang. Rest muna ang beauty ko… hehe… sarap ng mahaba ang tulog unlike ng may pasok. Super complete na tulog ko…

Super namiss ko yung unan and kama ko… Sarapppp…. ZZZZhhhhh……

Ganyan talaga…

Tuesday, October 11th, 2005

Ewan ko ba bakit ganun… kanina umiiyak na lang ako… buti na lang may friend ako na laging nandyan giving me advices na wag akong masyadong mag-alala … i know dapat hindi ma-depress. ganito talaga pag nag-aaral ng medicine. minsan naiisip ko, bakit ang iba hindi katulad ko?? sabi nga ni lilah, ganyan talaga.

Ewan ko ba… napapanahon na feeling depress ang mga tao sa paligid ko…  c sam and c gareth, may prob sa guys nila (parang wala rin ako…) and c coco, may prob sa bf nya and sa parents nya…. ganito yata talaga ang life….

Minsan masama na tingin ko sa mga bagay na pwede akong tulungan na mawala sa mundo pero naiisip ko, di lang ako ang may prob. di lang ako ang nahihirapan. ganyan talaga ang buhay… kaya minsan, iyak na lang ako sa isang tabi. akala ng iba okay ako pero hindi… minsan kasi kelangan mo rin mag-panggap na okay ka, na kaya mo pa, na hindi ka iiyak… minsan bigla na lang akong nawawala. nagkukulong sa isang kwarto at nag-iisang umiiyak. kelangan e…. kelangan ilabas ang sama ng loob para pag humarap ka sa ibang tao, okay pa rin ako… parang walang problema, parang hindi nahihirapan… ganyan talaga… ganyan talaga ang buhay…

saSamat na lang may kaibaigan ako. palaging nandyan… kapag umiiyak ako, nasasaktan… sa kanya pwede akong umiyak, pwede akong maglabas ng sama ng loob… tulad ng dati kong BESTFRIEND daw… na iniwan ako para sa iba.. kahit sinasaktan sya, dun pa rin sya sumama. kahit masaktan pa ako. walang pakialam sa akin… nang mawala sya, ang lungkot. parang wala na akong magiging ka-close…. na lahat ng tao sa paligid ko ay sasaktan lang ako… iiwan din nila ako…

Ganyan talaga…. ganyan talaga ang buhay….